^

Bansa

‘Alisin TRO sa P85 wage hike’

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

21 Senador sa Pasig court

MANILA, Philippines — Nilagdaan nang lahat ng 21 senador ang isang resolusyon na humihi­ling ng agarang pag-alis sa temporary restraining order (TRO) na pumigil sa pagpapatupad ng P85 daily wage increase sa Metro Manila. Iginiit ng mga senador na ipinagbabawal ng Labor Code ang mga korte na magpalabas ng injunction laban sa mga proseso ng wage board.

“Let the Labor Code prevail and allow the P85 increase to reach the workers who have already waited long enough. Hindi puwedeng ang isang petisyon ng iilan ang magpapahintay sa mahigit 1.1 milyong manggagawa at kanilang mga pamilya,” ani Senate Majority Leader Juan Miguel “Migz” Zubiri.

Si Zubiri ang perso­nal na kumuha ng mga lagda mula sa mayorya, habang si Sen. Robin Padilla naman ang na­ngalap ng lagda mula sa minorya upang ipakita ang nagkakaisang suporta.

“Walang partido, walang kulay dapat ang pagsusulong natin ng kapakanan ng manggagawa,” dagdag niya.

Binanggit sa resolusyon ang Article 126 ng Labor Code, na binago sa ilalim ng Republic Act 6727, na nagbabawal sa mga korte, tribunal, at iba pang entidad na magpa­labas ng injunction o TRO laban sa mga proseso ng NWPC o regional wage boards.

Nagbabala rin ang resolusyon na kung mananatiling epektibo ang TRO, maaari itong magdulot ng pagkaantala sa mga susunod na umento sa sahod sa iba pang rehiyon.

Ang P85 wage hike na inaprubahan ng RTWPB-NCR ay sinuspinde ng Pasig City RTC Branch 152 noong Hulyo 30 matapos magsampa ng petisyon ang Readycon Trading and Construction Corp. at R-II Builders Inc. Nananatiling epektibo ang TRO hanggang ­Agosto 13 habang hinihintay ang susunod na pagdinig.

WAGE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with