^

Punto Mo

MIAA, tiniyak ang pagsunod sa batas

QUESEJODA - Butch M. Quejada - Pang-masa

HUMILING ang grupong The Passenger Forum sa Office of the Ombudsman na imbestigahan ang Manila International Airport Authority (MIAA) kaugnay ng patuloy na paggamit ng Cargohaus, Inc. sa ilang pasilidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kabila ng umano’y bilyong pisong obligasyon nito sa ahensiya.

Ayon sa advocacy officer ng grupo na si Mark Quinto, nais nilang mabigyang-linaw kung bakit patuloy na pinapayagan ang Cargohaus na gamitin ang mga pasilidad ng paliparan kahit may matagal nang hindi nababayarang obligasyon sa MIAA.

Batay sa Statement of Account ng MIAA, umabot na umano sa halos P3.8 bilyon ang kabuuang obligasyon ng Cargohaus hanggang Marso 10 ng kasalukuyang taon. Sinabi rin ni Quinto na bahagi ng halagang ito ay kaugnay ng paggamit ng isang bahagi ng NAIA na umano’y wala sa anumang umiiral na kontrata, habang ang iba naman ay nakabatay sa isang kasunduang nag-expire pa noong Pebrero 2008.

Dahil dito, hiniling din ng The Passenger Forum sa Office of the Ombudsman at sa Commission on Audit (COA) na ipatawag at suriin ang mga kontrata, billing records, collection actions, at iba pang occupancy documents na may kaugnayan sa Cargohaus upang matukoy kung may naging pagkukulang sa pangongolekta at pagpapatupad ng mga umiiral na kasunduan.

Samantala, sa inilabas na opisyal na pahayag ng MIAA, sinabi ng ahensiya na batid nito ang reklamong iniulat na inihain sa Office of the Ombudsman kaugnay ng account ng Cargohaus.

Iginiit ng MIAA na nananatili itong nakatuon sa pangangalaga sa interes ng pamahalaan at sa wastong pagsingil at pangongolekta ng lahat ng dapat bayaran sa ahensiya. Ayon pa rito, ang account ng Cargohaus ay patuloy na sumasailalim sa legal at pinansyal na pagsusuri upang matiyak ang tamang pagkukuwenta ng lahat ng dapat kolektahin, lalo na’t may mga isyung legal at kontraktuwal na kailangang isaalang-alang.

Tiniyak din ng MIAA na walang anumang hakbang na may kaugnayan sa account ng Cargohaus o sa patuloy nitong paggamit ng mga pasilidad ng paliparan ang isasagawa maliban kung ito ay naaayon sa batas, sa umiiral na mga kontrata, at sa mga kinakailangang pag-apruba ng awtoridad.

Dagdag pa ng MIAA, handa itong makipagtulungan sa Office of the Ombudsman at magsumite ng lahat ng dokumento at impormasyong maaaring legal na hingin sa isinasagawang imbestigasyon.

Gayunman, dahil ang usapin ay nasa ilalim na ng opisyal na proseso at patuloy pang sinusuri, sinabi ng MIAA na hindi muna ito magbibigay ng karagdagang komento hinggil sa nilalaman ng mga paratang.

MIAA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with