^

Punto Mo

Mga katotohanan tungkol sa asal ng tao

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Ang mga taong mahihina ang loob ang malakas ang loob na manakit sa kanyang kapwa.

2. Ang mga bobo ay kadalasang sila pa ang madaldal.

3. Ang mga taong malungkot o hindi kuntento sa kanilang buhay ay madalas na inggitera.

4. Ang mga taong wala namang maipagmamalaki ang madalas umastang para bang siya na lang ang magaling at nakahihigit sa iba.

5. Ang pinakanakakaawang tao ay ‘yung nagpapanggap na mabuti at maka-Diyos.

6. Ang may matitibay na loob ay karaniwang may mabuting puso.

7. Kadalasan, ang mga matatalinong tao ay tahimik lamang.

8. Ang tunay na mayaman ay mapagkumbaba.

9. Ang mga pinakamasasayang tao ay simple at tahimik ang pamumuhay.

10. Ang taong marunong umamin ng pagkakamali ay mas mabilis umunlad.

11. Ang taong may disiplina ay mas pinipili ang tamang gawin kaysa sa madaling gawin.

12. Ang taong may respeto sa sarili ay marunong ding rumespeto sa kapwa.

13. Ang taong tunay na masaya sa tagumpay ng iba ay hindi madaling lamunin ng inggit.

14. Ang taong laging naghahanap ng mali sa iba ay madalas na hindi makita ang sarili niyang pagkukulang.

15. Ang taong marunong magpasalamat ay mas madaling makuntento sa buhay.

16. Ang taong tapat ay hindi natatakot sa katotohanan.

17. Ang taong may malawak na pang-unawa ay hindi agad humuhusga.

18. Ang taong may tunay na karunungan ay handang matuto kahit kanino.

19. Ang taong marunong magtimpi ay mas malakas kaysa sa taong madaling magalit.

20. Ang taong may malinaw na layunin sa buhay ay hindi madaling maimpluwensiyahan ng opinyon ng iba.

UGALI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with