64 loose firearms, isinuko kay Gen. Tuaño!
TIWALA sa kapulisan ang nagtulak sa mga residente ng Western Visayas na isuko o i-turnover ang kani-kanilang loose firearms sa liderato ni PRO6 director Brig. Gen. Randulf Tuaño. Nitong buong araw ng Hulyo 4 mga kosa may 64 baril ang boluntaryong ipinasa ng mga residente sa kapulisan sa rehiyon. Sinabi ni Tuaño na naging possible ang naturang tagumpay bunga sa patuloy na koordinasyon ng iba’t-ibang unit ng pulisya, LGUs, mga opisyal ng barangay, at iba pang stakeholders.
Nakatulong din, ani Tuaño, ang intelligence-driven police operations at ang walang humpay na pakikipag-ugnayan sa publiko upang hikayatin ang may mga nakatagong baril na ipa-safekeeping na ang mga ito. “Ang bawat boluntaryong pag-surrender ng loose firearm ay nangangahulugan na isang insidente ang naiwasan,” ayon kay Tuaño. “Ang tagumpay na ito ay nagpapakita ng tiwala ng komunidad sa kanilang kapulisan kasama ang epektibong pagtutulungan ng PNP, LGUs, barangay at iba pang stakeholders,” ang dagdag pa ni Tuaño. “Kapag ang komunidad mismo ay kasama sa solution, maitulak natin paitaas ang kaligtasan ng mamamayan,” aniya. Dipugaaaaa! Kabudlay man mag-traslate ba! Waay man semplang? Hehehe! Ambot sa kanding nga may bangs!
Bukod sa 64 na isinukong baril, nagsagawa rin ang tropa ni Tuaño ng 72 police operations na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang indibidwal, pagkakakumpiska ng isang baril, pagkakarekober ng 10 explosive devices, pagdeposito ng apat na baril para sa safekeeping, at tatlong house visitations na layong hikayatin ang boluntaryong pagsuko ng mga baril. Ang pinakamaraming nagsuko ng baril ay naitala ng Iloilo Police Provincial Office na may 28, sinundan ng Capiz Police Provincial Office na may 13, Iloilo City Police Office na may walo, Antique Police Provincial Office na may anim, Regional Mobile Force Battalion 6 na may apat, Aklan Police Provincial Office na may tatlo, at Guimaras Police Provincial Office na may dalawa. Hehehe! Ang sakit sa bangs nito!
Sinabi ni Tuaño na ang trabahong ito ay hindi lamang pagpapatupad ng batas kundi upang makamtan ang mas ligtas na komunidad sa pakikipagtulungan ng sambayanan sa pulisya. Bagamat nanatiling mahigpit ang PRO6 sa pagpapatupad ng mga batas kaugnay ng baril, mahalaga rin, ani Tuaño, ang pagsusulong ng dayalogo, pagpapalawak ng kaalaman at aktibong pagkikipag-ugnayan sa publiko para sa ikatagumpay ng kampanya. Sanamagan!
Samantala, sumuko naman kay Tuaño si alyas Jerry, na isang ex-policeman nitong Hulyo 5 matapos lumabas ang kanyang arrest warrant sa kasong murder. Hindi nagrekomenda ng piyansa ang Iloilo City RTC kay Jerry, na nagsuko rin ng isang Taurus 9mm pistol at isang magazine. Abangan!
- Latest
















