^

PSN Palaro

Pacquiao naghahanap ng kasuntukan

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Pacquiao naghahanap ng kasuntukan
Manny Pacquiao during his WBC welterweight title fight with Mario Barrios ending in a majority draw at MGM Grand Garden Arena on July 19, 2025 in Las Vegas, Nevada.
Getty Images / Harry How via AFP

MANILA, Philippines — Ang paghahamon sa isang world champion o ang pagsalang sa isang exhibition fight.

Ito ang mga opsyon na tinitingnan ni Manny Pacquiao, ang nag-iisang world eight-division champion, matapos madiskaril ang rematch nila ni American undefeated titlist Floyd Mayweather Jr.

Sinabi ni MP Promotions Chief Executive Officer (CEO) Jas Mathur na maaaring hamunin ng 47-anyos na si Pacquiao, nagdadala ng 62-8-3 win-loss-draw ring record tampok ang 39 knockouts, ang sinuman kina world welterweight kings Ryan Garcia (WBC), Devin Haney (WBO), Rolly Romero (WBA) at Liam Paro (IBF).

“We’re working on it. We’re looking at different options, we’re looking at different things,” ani Mathur sa Ring Magazine report.

Huling lumaban si Pacquiao sa isang world title fight noong Hulyo ng 2025 kung saan niya hinamon si Mario Barrios para sa WBC welterweight crown.

Nauwi sa majority draw ang suntukan.

Nadiskaril ang isa sanang mega fight ni Pacquiao at ng 49-anyos na si Mayweather (50-0-0, 27 KOs) dahil sa isyu ng American legend sa pera.

Sa Setyembre sana itinakda ang nasabing rematch na iginigiit ni Pacquiao na isang official fight at hindi exhibition bout kagaya ng gustong mangyari ni Mayweather para maprotektahan ang malinis niyang kartada.

Tinalo ni Mayweather si Pacquiao via unanimous decision noong Mayo ng 2015 sa Las Vegas.

Sakaling walang mangyari sa kanyang inaasam na world title bid ay maa­aring sumalang si Pacquiao sa isang exhibition fight para lamang hindi masayang ang ginagawa niyang trai­ning sa Los Angeles, California.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with