^

PSN Palaro

Bridges ite-trade ng Hornets sa Suns

Pilipino Star Ngayon

CHARLOTTE, — Ibibigay ng Hornets si star forward Miles Bridges kasama ang isang 2029 first-round pick at isang 2027 second-round pick sa Phoenix Suns kapalit nina Grayson Allen, Royce O’Neale at isang 2033 first-round pick.

Ito ang ikalawang malaking trade ng ginawa ng Charlotte sa loob ng tatlong araw.

Unang dinala ng Hornets si All-Star point guard LaMelo Ball sa Minnesota Timberwolves noong Huwebes, habang pumayag din ang koponan sa isang three-year $74 million deal para mapanatili si guard Coby White.

Kumamada ang 28-anyos na si Bridges ng mga ave­rages na 17.1 points at 5.8 rebounds para sa kampanya ng Charlotte sa nakaraang 2025-26 season.

Sa nasabing trade sa Hornets ay nakatipid ang Suns ng $20 milyon sa luxury tax para magkaroon sila ng roster spot bago ang free agency.

Sa Orlando, pinakawalan ng Magic si forward Jonathan Isaac para makatipid ng $6.5 milyon at paghandaan ang free agency market.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with