^

PSN Palaro

Alapag bagong coach ng NLEX

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Alapag bagong coach ng NLEX
Former Gilas Pilipinas captain and “The Mighty Mouse” Jimmy Alapag is back in the Philippines after being named head coach of the NLEX Road Warriors.
Photo courtesy of Ricky Vargas, PBA Chairman) | via Nelson Beltran

MANILA, Philippines — Nagbabalik ang tinaguriang ‘Mighty Mouse’ sa PBA. Ngunit hindi isang player kundi bilang head coach.

Pormal na inihayag kahapon ni PLDT top official Manny V. Pangilinan ang pagtapik kay PBA great Jimmy Alapag bilang bagong coach ng NLEX para sa darating na Season 50 Governors’ Cup.

Papalitan ng da­ting TNT Tropang 5G at Meralco point guard si Jong Uichico sa bench ng NLEX.

“I think obviously, the team did very well in the last conference (Commissioner’s Cup). And hopefully, we can build on that,” sabi ni Alapag.

Samantala, ang sagu­paan ng Meralco at Blackwater ang opisyal na magbubukas sa PBA Season 50 Governors’ Cup sa Hul­yo 10 sa Ynares Center sa Antipolo City.

Lalabanan ng Bolts ang Bossing sa alas-5:15 ng hapon kasunod ang salpukan ng Rain or Shine Elasto Painters at Phoenix Fuel Masters sa alas-7:30 ng gabi.

Ipaparada ng Meralco si Jordon Varnado, naglaro sa Bolts sa nakaraang Basketball Champions League Asia, at makakatapat ni Kentrell Barkley ng Blackwater.

Si balik-import Aaron Fuller ang muling gagabay sa Rain or Shine laban kay BJ Johnson at sa Phoenix.

Sa Hulyo 19 sisimulan ng TNT Tropang 5G ang pagdedepensa sa kanilang korona kontra sa guest team Macau sa alas-5:15 ng hapon.

Pansamantalang kinu­ha ng Tropang 5G si D­arius Days sa pagrekober ni Rondae Hollis-Jefferson sa kanyang injury, samantalang muling aasahan ng Gin Kings si resident import Justin Brownlee.

Ang iba pang imports na lalaro sa torneo ay sina George King (San Miguel), DeQuan Jones (NLEX), KJ Buffen (Magnolia), Justin Strings (Terrafirma), Jalen Hudson (Converge) at De’Vondre Perry (Macau).

Ang Titan Ultra Giant Risers na lamang ang wala pang nakukuhang import.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with