Spain inangkin World Cup Crown

Torres kinana panelyong goal
EAST RUTHERFORD, United States — Umiskor si Ferran Torres ng isang extra-time winner para tulungan ang Spain sa 1-0 panalo kontra sa defending champion Argentina at angkinin ang World Cup crown sa harap ng 80,663 fans kasama si US President Donald Trump kahapon dito.
Sinipa ng Barcelona striker ang winning goal sa ika-106 minuto ng laro para sa unang World Cup trophy ng Spain sapul nang talunin ang Netherlands noong 2010 edition sa South Africa.
“The goal belonged to 47 million people,” ani Torres. “It wasn’t just mine or the 26 players. Destiny was written, and it was meant for us to win far away from our people.”
Dinomina ng Spain ang laro kung saan ilang beses silang nagkaroon ng pagkakataong makaiskor, ngunit hindi makapagtala ng goal.
Tinapos ni Argentina goalkeeper Emiliano Martínez ang laro na may 11 saves, ang pinakamarami sa isang World Cup final.
Nablangka naman ang sipa ni Argentinian football legend Lionel Messi sa ika-117th minuto ng laro.
Dinisikaril din ng Spain ang matagumpay sanang pamamaalam ni Messi sa 48-team event na nilaro sa U.S., Canada at Mexico.
“I feel sad,” wika ng 39-anyos na si Messi na umiiyak na tinanggap ang kanyang runner-up medal sa harap ng mga Argentina supporters. “They were better, to be honest.”
Itiniklop ni Messi ang kanyang paglalaro sa World Cup na may walong goals, habang may 10 goals si Kylian Mbappé ng France na nakamit ang Golden Boot.
Winakasan ni Messi ang kanyang World Cup career na may kabuuang 21 goals sa ilalim ng 12 goals ni Mbappé.
- Latest






















