^

PSN Palaro

Open practice ng Gilas sa FilOil Arena

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mabibigyan ng pagka­ka­taon ang mga Pinoy fans na masilayan ang Gilas Pilipinas dahil idaraos ang open practice ng tropa bukas sa FilOil Arena sa San Juan City.

Ito na rin ang magsisilbing send-off ng Gilas Pilipinas bago ito tumulak sa Auckland, New Zealand sa Hunyo 23 para sa FIBA World Cup Asian Qualifiers final window.

Nais ni Gilas Pilipinas head coach Tim Cone na ma­agang pumunta sa Auckland upang magkaro­on ng acclimatization ang kaniyang bataan.

Sa kasalukuyan, pumapalo sa 12 hanggang 13 degrees ang lamig sa Auckland — malayo sa ma­init na klima sa ngayon sa Maynila.

“Masyadong malamig sa Auckland right now, so we want to go down there a little early and try to catch up to the weather. It’s mga 12, 13 degrees. Walang heat sa gym in Auckland,” ani Cone.

Magandang pagkaka­taon ito upang makapag-adjust agad ang katawan ng Pinoy cagers bago ang laban nito kontra sa New Zealand sa Hulyo 3.

“So it’s going to be a trial for our guys. But we’re going to go down there early and try to adjust,” ani Cone.

Pagdating sa Auckland, agad na sasalang sa matinding ensayo ang Gilas Pilipinas.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with