Santiago susubok sa US league
MANILA, Philippines — Matapos sa Japan, susubukan naman ni dating national women’s volleyball player Jaja Santiago ang kanyang kapalaran sa United States.
Ang 6-foot-5 na si Santiago, kilala ngayong Sachi Minowa dahil sa kanyang pagiging Japanese citizen matapos ikasal kay Japanese coach Taka, ay unang naglaro sa Japanese league noong 2020 para sa Ageo Medics sa Japan V.Cup.
Sa paglipat niya sa Osaka Marvelous ay nagwagi siya ng korona sa 2024-25 SV.League season.
Sa kanyang pagpunta sa US ay inaasahang maglalaro ang 30-anyos na middle blocker alinman sa League One Volleyball (LOVB) o Major League Volleyball (MLV).
“Hulaanin niyo na lang kung saan,” sabi ni Santiago.
- Latest



















