^

PSN Palaro

Kazakh nagpalakas sa semis

Elech Dawa - Pilipino Star Ngayon
Kazakh nagpalakas sa semis
Ang pagdiriwang ng Kazakhstan team matapos manalo sa Iran sa AVC Women's Cup.
STAR/Russell Palma

CANDON CITY, Ilocos Sur — Lumakas ang tsansa ng Kazakhstan na sumampa sa susunod na phase matapos kalusin ang Iran, 13-25, 25-20, 25-14, 25-19 sa Day 3 ng Asian Volleyball Confederation (AVC) Women’s Volleyball Cup na nilaro sa Candon Arena kahapon dito.

Malinis sa tatlong panalo ang Kazakhstan sa Pool B, una  nilang pinayuko sa opening day ang Hong Kong, 20-25, 25-17, 25-16, 25-13, sunod ang Indonesia, 25-19, 25-19, 25-19.

Tumikada si Kristina Belova ng 23 points mula sa 21 attacks at dalawang blocks, may kinana naman si Tatyana Yatskiv ng 13 markers kasama ang 10 kills at tatlong blocks.

Walang mantsa sa dalawang salang ang Vietnam, hindi pa rin natatalo kahit isang set nakatakda naman nilang harapin ang Indonesia.

Ang top two sa bawat pool ay uusad sa semifinals sa tournament na suportado ng Philippine Sports Commission, FIVB, Volleyball World, AVC, POC at Candon City sa pamumuno ni Mayor Eric D. Singson.

Para sa world ranking points mahalaga sa 12-nation meet na hindi sasampa sa semifinals na lumaro sa classification round.

Nirehistro naman ng Hong Kong ang unang panalo matapos pagpagin ang Lebanon, 25-20, 25-8, 25-13.

Si Sum Yuen Tang ang namuno sa opensa para sa Hong Kong sa tinikadang 14 points mula sa 12 attacks at dalawang service aces. 

VOLLEYBALL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with