JB binuhat Gin Kings sa Game 1

MANILA, Philippines — Walang takot, walang kaba.
Sumalaksak si resident import Justin Brownlee laban kay balik-import Chris McCullough para isalpak ang isang pabandang jumper sa huling 0.6 segundo na nagtakas sa 109-107 panalo ng Barangay Ginebra sa nagdedepensang TNT Tropang 5G sa Game One ng Season 50 PBA Commissioner’s Cup Finals kahapon sa Smart Araneta Coliseum.
Nakipagtambal si Brownlee kay RJ Abarrientos para sa 1-0 lead ng Gin Kings sa kanilang best-of-seven championship series ng Tropang 5G.
Dalawang krusyal na four-point shot muna ang isinalpak ni Abarrientos sa dulo ng fourth quarter para sa 100-97 abante ng Ginebra sa huling 20.4 segundo.
Itinabla ni Roger Pogoy ang TNT sa kanyang tres, 107-107, sa nalalabing 10.6 segundo.
Kasunod nito ang game-winning jumper ni Brownlee para sa Gin Kings.
Ipinoste ng Ginebra ang isang 18-point lead, 68-50, sa 7:27 minuto ng third period matapos ang basket ni Troy Rosario.
Unti-unting nakabangon ang TNT para makadikit sa 74-79 sa pagbubukas ng fourth quarter hanggang tuluyan nang agawin ang 91-88 abante tampok ang four-pointer at triple ni Rey Nambatac sa 5:20 minuto nito.
- Latest






















