^

PSN Palaro

Philippines team isinalba nina Bustamante, Abundo

Rusell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Humakot ng dalawang gold, dalawang silver at dalawang bronze medals ang Team Philippines sa opisyal na pagtatapos ng Karate One-Youth League na inihahandog ng Philippine Sports Commission kahapon sa SM Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Ang dalawang ginto ay nagmula kina Kathleya Ealaine Bustamante at Franzcis Erl Jud Abundo.

Tinalo ng 13-anyos na si Bustamante si Ana Jovic ng Australia, 6-2, sa finals ng U14 kumite female -47 kilogram division sa event na sinalihan ng kabuuang 790 karatekas mula sa 58 bansa at itinataguyod ng Lanson’s Place, Citadines Bay City Manila at Milo.

“i’m very happy that I was able to win the gold,” sabi ng 13-anyos na inco­ming Grade 8 student sa Notre Dame of St. Therese of the Child Jesus sa Ge­neral Santos City.

“I dedicate this win to my parents who supported me all the way since I’m eight years old,” dagdag ng karateka na naunang umiskor ng 2-0 abante laban kay Nikolic.

Dinomina naman ni Abundo si Wan Azlee Khairi Bin Wan Zuraimi ng Brunei Darussalam, 7-0, sa gold medal round ng U14 kumite male -40 kg category.

Maaga itong regalo para kay Abundo na ipagdiriwang ang kanyang ika-13 kaarawan ngayong araw.

“Masayang-masaya po ako at nakapagbigay ako ng gold sa Pilipinas. Hindi po ako kaagad umatake kasi parang nagka-counter attack siya. Hinintay ko po siyang mauna, saka ako nag-counter,” wika ni Abundo sa torneong may basbas ng World Karate Federation at inorganisa ng Karate Pilipinas Sports Federation, Inc.

Nagdagdag ng tig-isang silver sina Dean Caleb Montalbo sa U14 kata male at Alexa Rae Vallesteros sa U14 kata female.

Ang dalawang bronze ay nagmula kina Kaylani Vergara sa U14 kumite female -47kg at Ashana Geanne Sabote sa U14 kumite female -42kg.

JUD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with