^

PSN Palaro

Creamline kampeon!

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Creamline kampeon!
Swak ang hataw ni Jema Galanza ng Creamline laban sa depensa ng Cignal sa Game 2 ng PVL AFC Finals.
PVL photo

MANILA, Philippines — Balik naman sa trono ang mga Cool Smashers matapos ang dalawang taon.

Inangkin ng Creamline ang ika-11 korona mula sa 25-23, 22-25, 25-16, 16-25, 15-11 pagdaig sa Cignal sa Game Two ng 2026 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence Finals sa harap ng 17,360 fans kahapon sa Smart Araneta Coliseum.

Kinumpleto ng Cool Smashers ang 2-0 sweep sa kanilang best-of-three championship series ng Super Spikers.

Muling binanderahan nina Bernadeth Pons at Jema Galanza ang opensa ng tropa ni coach Sherwin Meneses habang ang mga krusyal na blangka nina Tots Carlos at Pangs Panaga sa fifth set ang naging susi sa kanilang panalo.

Nauna nang winalis ng Creamline ang Cignal sa Game One, 25-22, 25-18, 25-16, noong Martes.

Ito ang unang kam­peo­nato ng Cool Smashers matapos magreyna noong 2024 PVL Invitationals kung saan nila tinakasan ang Super Spikers, 3-2, para makamit ang ika-10 korona.

Bigo na naman sina Vanie Gandler at Erika Santos na maibigay sa Cignal ang kauna-unahang PVL crown.

Nagkadena si Pons ng triple-double na 20 points, 19 excellent digs at 12 receptions para pangunahan ang Creamline.

Nakamit naman ni Meneses ang kanyang pang-walong titulo bilang coach ng Cool Smashers.

Samantala, kinumpleto ng PLDT ang pagwalis sa Farm Fresh para sa bronze medal matapos itakas ang 25-14, 21-25, 25-21, 21-25, 15-5 panalo sa Game Two.

Pumalo si Kim Kianna Dy ng 21 points habang may 20 markers si Fil-Canadian Savi Davison at tumipa si setter Kim Fajardo ng 32 excellent sets.

Naglista si libero Kath Arado ng 28 excellent digs at 21 excellent receptions para sa unang third place trophy ng two-time PVL champions sapul nang sumali sa PVL noong 2021.

Pinamunuan ni Trisha Tubu ang Foxies sa kanyang 23 points kasunod ang 12 markers ni Ces Molina.

Nauna nang nilusutan ng PLDT ang Farm Fresh sa Game One, 22-25, 25-21, 27-25, 26-28, 15-11.

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with