Krusyal na laro ng Nxled at Galeries

MANILA, Philippines — Ang dalawang sunod na ratsada ang babaunin ng Nxled sa pagharap sa Galeries Tower sa play-in stepladder ng 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Conference.
Sasagupain ng Chameleons ang Highrisers ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang salpukan ng Akari Chargers at Choco Mucho Flying Titans sa alas-6:30 ng gabi sa Ninoy Aquino Stadium sa Malate, Manila.
Ang mananalo ang tatapat sa Farm Fresh sa isa pang ‘do-or-die’ game para sa isang semifinals berth.
Umiskor ang Nxled ng 21-25, 25-23, 25-13, 25-15 panalo sa semifinalist PLDT sa huli nilang laro matapos talunin ang sibak nang ZUS Coffee, 20-25, 25-15, 25-23, 25-19.
“I think we’ve been doing an excellent job just taking the punches, rolling with them, getting in the gym every day, and continuing to have that work ethic to keep pushing,” ani Fil-Am Brooke Van Sickle sa kanilang two-game winning run.
Muling makakatuwang ni Van Sickle sina Fil-Am MJ Phillips, Myla Pablo, Jonah Sabete-Escamillan at setter Jules Tolentino.
Galing sa panalo ang Galeries Tower matapos sibakin ang Capital1 Solar Energy, 25-16, 25-20, 30-28 sa pagbibida ni Jean Asis.
- Latest























