^

PSN Palaro

Eala sinibak si Linette, pasok sa Miami Open round of 16

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Tuloy ang magical run ni Alex Eala matapos patumbahin si Magda Linette ng Poland sa iskor na 6-3, 7-6 (2) upang umusad sa fourth round ng Miami Open na ginaganap sa Hard Rock Stadium Grandstand Court sa Florida.

Kinailangan ng 20-an-yos na si Eala na magbanat ng buto sa second set upang pigilan ang tangka ni Linette na maipuwersa ang deciding third set.

Sa katunayan, nakabaon ito sa 5-6 iskor bago maitabla ang laro sa 6-all. Sa tiebreak, rumatsada agad sa 3-0 kalamangan si Eala bago tuluyan pabag­sakin si Linette.

Tumagal lamang ang laro ng isang oras at 48 minuto — malayo sa tatlong oras at 20 minuto na laban nito sa second round laban kay Laura Siegemund ng Germany.

“I think patience was a very key aspect of how I played today,” ani Eala.

Aminado si Eala na hindi madaling kalaban si Linette lalo pa’t apat na beses na itong nagharap sa WTA Tour.

“You said it first, Magda is such a fighter and every time I played against her, she’s put me in such difficult positions. So, kudos to her for playing well and I really enjoyed the battle,” dagdag ni Eala.

Sunod na makakasagupa ni Eala si 13th seed Karolina Muchova ng Czech Republic na nanaig kay Katie Boulter ng Great Britain, 6-3, 7-5, sa hiwalay na laban.

Dahil sa pagpasok sa fourth round, umangat si Eala sa WTA live rankings.

Kasalukuyan na itong nasa No. 44 sa live ran­kings mula sa kanyang dating puwesto na No. 50.

Posible pa itong uma­ngat sa oras na muling ma­kapagtala si Eala  ng panalo.

Kailangan ni Eala ng panalo upang mapanatiling nasa magandang puwesto ito sa WTA rankings para sa mga susunod na torneong lalahukan nito partikular na ang nalalapit na French Open at Wimbledon Championships.

EALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with