^

PSN Palaro

Beermen nilasing ng Giant Risers

Russel Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Nagkuwintas si Joshua Munzon ng game-high 29 points bukod sa limang assists, apat na steals at tatlong rebounds para banderahan ang Titan Ultra sa 119-112 panalo sa San Miguel sa Season 50 PBA Commissioner’s Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.

Kumolekta si import Michael Gilmore ng 28 mar­kers at 15 boards habang may 13 points si Cade Flores para sa 1-2 kartada ng Giant Risers na nagtala ng isang 21-point lead sa third period.

Iniskor ni CJ Perez ang lahat ng kanyang 27 points sa second half sa unang laro ng Beermen na nakahugot kay nine-time PBA MVP June Mar Fajardo ng 15 markers at 17 rebounds habang may apat na puntos lamang si import Marcus Lee.

Itinayo ng Titan Ultra ang isang 21-point lead, 83-62, sa 3:29 minuto ng third period sa pangunguna nina Munzon at Gilmore.

Sa pagbibida nina Pe­rez, Fajardo at Don Trollano ay nakalapit ang SMB sa 112-116 sa hu­ling 58 segundo ng fourth quarter.

Matapos ang free throw ni Munzon para sa 117-112 lead ng Giant Risers ay nagkaroon ng turnover si Trollano sa panig ng Beermen.

Nagresulta ito sa dalawang free throws ni Fran Yu sa natitirang 20.9 segundo na muling naglayo sa Titan Ultra sa 119-112.

Samantala, ipaparada ng Blackwater (0-2) si se­ven-footer Robert Upshaw III kapalit ni injured Daniel Ochefu sa kanilang duwelo ng Magnolia (0-2) ngayong alas-5:15 ng hapon.

JOSHUA MUNZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with