^

PSN Palaro

Ika-5 dikit target ng Creamline

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Target ng Creamline ang pang-limang dikit na ratsada sa pagsagupa sa minamalas na Nxled sa 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Confe­rence.

Lalabanan ng Cool Smashers ang Chameleons ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang salpukan ng mainit na Akari Chargers at Capital1 Solar Spikers sa alas-6:30 ng gabi sa FilOil Centre sa San Juan City.

Mula sa straight-sets loss sa PLDT (5-1) ay magkakasunod na tinalo ng Creamline (4-1) ang Choco Mucho (3-3), ZUS Coffee (1-6), Capital1 (3-3) at Galeries Tower (2-4) para patibayin ang tsansa sa knockout qualifying round na magdedetermina sa apat na papasok sa semifinals.

“Iyong target namin muna kasi siyempre medyo ilang game pa ba sa elimination, so, apat na games pa, so, napaka-im­portante ‘yung last four games namin kung ano ‘yung magiging sitwasyon ng team namin,” ani Cool Smashers coach Sherwin Meneses. “Pero mag-focus muna kami sa Nxled.”

Matapos ang 0-3 pani­mula ay nahulog ang Chameleons sa tatlong dikit na kamalasan.

CREAMLINE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with