^

PSN Palaro

Sotto malaking kawalan sa Gilas

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Sotto malaking kawalan sa Gilas
Kai Sotto
STAR / File

MANILA, Philippines — Malaking kawalan si Kai Sotto sa nakalipas na laban ng Gilas Pilipinas sa FIBA World Cup Asian Qualifiers kung saan lumasap ang tropa ng dalawang sunod na kabiguan sa kamay ng New Zealand at Australia.

Mismong si New Zealand coach Judd Flavell ang nakapansin nito kung saan natalo ang Gilas Pilipinas sa Tall Blacks sa iskor na 66-69 sa Mall of Asia Arena sa Pasay City.

Hindi nakapaglaro si Sotto sa second window upang ipahinga ang kanyang tuhod na galing sa rehabilitasyon matapos magtamo ng ACL injury noong nakaraang taon.

Sinamantala ng New Zealand ang pagkawala ni Sotto na isa sa panguna­hing inaasahan ng Gilas sa mga laro nito.

“We know Kai Sotto is a big part of the puzzle for the Philippines. He gives them another dynamic,” ani Flavell.

Malaki sana ang ambag ni Sotto kung naglaro ito na tiyak na magpapahirap sa Tall Blacks.

Sa katunayan, isa si Sotto sa mga gumawa nang talunin ng Gilas ang New Zealand noong nakaraang taon sa iskor na 93-89 sa 2025 FIBA Asia Cup Qualifiers.

Sa naturang laro, nag­rehistro si Sotto ng 19 points, 10 rebounds, pitong assists at dalawang blocks.

Gayunpaman, kahit wala si Sotto, aminado si Flavell na nananatiling mabagsik ang Gilas.

Nariyan sian Quentin Millora-Brown, AJ Edu at June Mar Fajardo.

Kaya naman inaasahang magiging matindi ang bakbakan sa oras na muling magtuos ang Gilas at New Zealand sa third window ng qualifiers sa Hulyo.

KAI SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with