^

PSN Palaro

Cignal pinutol ng Akari

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
Cignal pinutol ng Akari
Diniskaril nina Fifi Sharma at Eli Soyud ng Akari ang hataw ni Cignal star hitter Vanie Gandler.
PVL photo

MANILA, Philippines —  Mula sa 0-3 panimula ay dalawang sunod na panalo ang itinala ng Akari sa 2026 Premier Volleyball League All-Filipino Confe­rence.

Tinakasan ng Chargers ang Cignal Super Spikers, 25-23, 20-25, 11-25, 25-23, 15-12, para buhayin ang tsansa sa qualifying round kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.

Pumalo si middle b­locker Ivy Lacsina ng 20 points mula sa 16 attacks, tatlong blocks at isang service ace para sa 2-3 baraha ng Akari na galing sa four-set win sa Nxled (3-2).

Nagdagdag si middle blocker Fifi Sharma ng 16 markers sa likod ng 11 attacks at limang blocks kasunod ang tig-14 points nina Eli Soyud at Ced Domingo habang may 18 excellent sets si setter Mars Alba.

Nadiskaril ang hangad na back-to-back wins ng Cignal para sa kanilang 4-2 baraha.

“Today napatunayan namin na we can bounce back even though we came from a very bad set,” ani Sharma sa 11-25 talo ng Chargers sa third set na nagbigay sa Super Spikers ng 2-1 abante sa laro.

Sa likod nina Sharma, Ivy Lacsina at Eli Soyud ay nakatabla ang Akari sa fourth frame, 25-23, para makapuwersa ng fifth set sa Cignal.

Kinuha ng Chargers ang 9-5 bentahe sa fifth set bago nakadikit ang Super Spikers sa 10-11 sa pa­ngunguna nina Erika Santos at Vangie Gandler na tumapos na may tig-23 points.

Muling nakalayo ang Akari sa 14-11, habang inilapit ni Santos ang Cignal sa 12-14.

Ang hataw ni Grethcel Soltones ang sumelyo sa panalo ng Chargers na target ang ikatlong sunod na panalo sa pagsagupa sa Capital1 Solar Spikers (3-3) sa Marso 7.

FIFI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with