Ratsada ng Celtics tinapos ng Nuggets

DENVER — Humakot si Nikola Jokic ng 30 points at 12 rebounds para tulungan ang Nuggets sa 103-84 pagpapatumba sa Boston Celtics.
Nagdagdag si Tim Hardaway Jr. ng 14 points para sa Denver (37-22) habang hindi natapos ni star guard Jamal Murray ang laro dahil sa lagnat.
Nagbalik naman si Jaylen Brown sa lineup ng Boston (38-20) matapos magkaroon ng right knee contusion sa nauna nilang laro ng Phoenix.
Umiskor si Brown ng 23 points para sa Celtics na nagtapos ang five-game winning streak habang nag-ambag si Colorado native Derrick White ng 20 points.
Pinamunuan ni Jokic ang isang 11-0 atake ng Nuggets sa third quarter para maitayo ang 10-point lead papasok sa final period.
Pinalobo pa ito ng Denver sa 17-point advantage matapos ang tip-in ni center Jonas Valanciunas sa gitna ng fourth period.
Matapos ito ay iniupo na ni Boston coach Joe Mazzulla ang kanyang mga starters.
Sa iba pang laro, giniba ng Detroit Pistons ang Oklahoma City Thunder, 124-116; tinalo ng Houston Rockets ang Sacramento Kings, 128-97; wagi ang Golden State Warriors sa Memphis Grizzlies, 133-112; at lusot ang Milwaukee Bucks sa Cleveland Cavaliers, 118-116.
- Latest























