SGA-less Thunder pinigilan ng Spurs

SAN ANTONIO — Kumabig si Keldon Johnson ng 25 points habang humakot si Victor Wembanyama ng 22 points at 14 rebounds sa 116-106 pagdaig ng Spurs sa nagdedepensang Oklahoma City.
Ito ang ikaapat na panalo ng San Antonio (34-16) sa reigning NBA champion Oklahoma City (40-12) ngayong season.
Tumipa si De’Aaron Fox ng 15 points at 10 assists kasunod ang 11 markers ni rookie forward Carter Bryant para sa ikalawang sunod na panalo ng Spurs.
Bumira si Kenrich Williams ng 25 points at kumolekta si Jaylin Williams ng 24 points at 12 rebounds para sa Thunder na naglaro na wala si reigning MVP at All-Star Shai Gilgeous-Alexander na may abdominal strain.
Hindi rin naglaro ang iba pang regular starting lineup ng Oklahoma City sa ikalawang sunod na pagkakataon.
Sa dulo ng third quarter ay ipinasok ni coach Mark Daigneault ang tatlo niyang reserves kung saan angat ang San Antonio sa 90-80.
Sa Houston, kumonekta si Derrick White ng anim na three-pointers at tumapos na may 28 points sa 114-93 paggupo ng Boston Celtics (33-18) sa Rockets (31-18).
Pinamunuan ni Kevin Durant ang Rockets sa kanyang 15 points.
Sa iba pang laro, panalo ang Milwaukee Bucks sa New Orleans Pelicans sa overtime, 141-137; tinalo ng Cleveland Cavaliers ang Los Angeles Clippers, 124-91; lusot ang Memphis Grizzlies sa Sacramento Kings, 129-125; at wagi ang Minnesota Timberwolves sa Toronto Raptors, 128-126.
- Latest






















