Eya muntik ma-depress
MANILA, Philippines — Ang training sa Alas Pilipinas at sa University of Santo Tomas at pakikinig sa payo ng kanyang mga coaches ang nagsalba kay Eya Laure matapos ang dalawang taong pagkakatengga dahil sa isyu sa kanyang kontrata sa Chery Tiggo.
Inamin ni Laure na nawalan siya ng kumpiyansa dahil sa naging sitwasyon niya sa Crossovers.
“Salamat sa mga coaches ko. Salamat sa mga coaches ko sa UST, sa national team. Sa national team, kasi ang tagal nila ako trinaining mag-isa, hanggang sa maka-keep up ako sa mga leagues ng Alas,” ani Laure. “Tiniyaga talaga nila ako, sila ‘yung bumuo ulit ng kumpiyansa ko.”
At sa kanyang muling paglalaro sa Premier Volleyball League (PVL) ay umiskor ang 26-anyos na si Laure ng 11 points sa 25-17, 25-23, 25-20 pagdaig ng Choco Mucho sa Akari sa 2026 All-Filipino Conference noong Sabado.
Malaking bagay din ang pagkumbinsi kay Laure ni dating UST teammate Sisi Rondina para maglaro sa Flying Titans.
“Si ate Sisi lang talaga kasi parang nandun siya lagi everywhere nagko-convince. Kaya sabi ko, ‘wait lang talaga ate Si.’ Pero after SEA Games, doon ako nakipag-usap, I mean ‘yung manager ko rin,” sabi ni Laure.
- Latest


















