No stars?
Dahil sa security reasons, called off ang PBA All-Stars na nakatakda sana gawin sa Davao del Norte sa May 2 to 4.
Kung anuman ang ibig sabihin ng security reasons, dehins na binanggit ni commissioner Willie Marcial.
Pero sa ikabubuti daw ng lahat, dehins matutuloy ang All-Stars sa Davao del Norte.
Sabi ni Kume, humahanap sila ng alternate venue. Madalian. At kung dehins makahanap in two weeks, baka tuluyan na walang All-Stars this year.
Sayang dahil inaabangan ito ng PBA fans sa Metro Manila man o sa mga probinsya.
Bukod sa All-Star Game, exciting din panoorin ang Three-point Shootout at Slam Dunk Contest.
Chance din ng fans na makihalubilo sa PBA stars. ‘Yan kasi ang pakay ng event – ang ilapit ang liga sa fans.
I’m sure kaliwa’t-kanan ang cellphone na hawak ni Kume ngayon na tapos na ang Holy Week.
Ang dehins ako sure eh kung may mga lugar na kaya ito maikasa sa last two minutes especially if sa malayong probinsya.
Sana kahit sa Metro Manila na lang. Tutal, may TV coverage naman.
Matuloy lang.
- Latest