I shall return
Believe it or not, kasado na ang comeback fight ni Manny Pacquiao.
World title fight. Dehins exhibition. Legit world champion from Mexico ang kalaban. Dehins vlogger. Dehins kickboxer.
Sa July 19 ang laban sa MGM Grand sa Las Vegas.
Madaming nagtataka bakit lalaban pa ulit si Pacman. Bilang one and only eight division champion sa planeta, nothing to prove na.
Pero ganyan ang boxers. Kinakati. Hinahanap ang laban. Marami nang ganyan. Nag-retire then nag-comeback.
Kaso nga lang, 46 years old na si Pacquiao na dehins pinalad sa huling eleksyon. Sabi ng iba, kailangan kumita. Kailangan bawiin ang nagastos sa kampanya.
Sa tingin ko, hindi ‘yun ang dahilan.
Gusto maging world champion ulit. Simple as that. Parang si George Foreman nung 1994, naging heavyweight champion sa edad na 45.
Bata ang kalaban ni Pacman. Ang 30-year-old na WBC welterweight champion na si Mario Barrios. Isa pa, matangkad. Dehins bababa sa 5’9-5’10.
Magaling pero tumbahin din. Kaya dyan pa lang, may pag-asa tayo. Tutal, mabawasan man ang speed ni Pacman, may power pa din naman.
Huwag lang tayo maunahan.
- Latest