^

PSN Palaro

Bagong NBA record sa Celtics

Pilipino Star Ngayon

BOSTON — Humataw si Jaylen Brown ng 31 points kasama ang tatlong three-pointers sa pagbasag ng nagdedepensang Celtics sa NBA record para sa 3-pointers sa isang season sa 123-103 pagpapalubog sa Phoenix Suns.

Kumonekta ang Boston (57-20) ng 14 triples para sa kanilang season total na 1,370 at ungusan ang NBA record na 1,363 tres na ipinasok ng Golden State Warriors noong 2022-23.

Bumangon ang defending champions mula sa pag­kakapigil ng Miami Heat sa kanilang nine-game winning streak.

Nagdagdag si Jayson Tatum ng 23 points, 8 rebounds at 8 assists habang may 15 markers si Kristaps Porzingis.

Kumabig si Devin Booker ng 37 points sa pang-limang dikit na kamalasan ng Phoenix (35-42).

Sa Houston, umiskor si Fil-Am Jalen Green ng 34 points at may 31 markers si Alperen Sengun sa 125-111 paggupo ng Rockets (51-27) sa Oklahoma City Thunder (64-13) at tapusin ang 11-game winning streak nito.

Sa Toronto, kumamada si Tim Hardaway Jr. ng 23 points at humakot si Jalen Duren ng 21 points at 18 rebounds sa 117-105 paggiba ng Pistons (43-34) sa Toronto Raptors (28-50) at kunin ang una nilang playoff berth sapul noong 2018-19.

Sa Los Angeles, bumira si Luka Doncic ng 35 points sa 124-108 panalo ng Lakers (47-30) sa New Orleans Pelicans (21-56).

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->