Korean tiklo sa higit P7 milyong ketamine

MANILA, Philippines — Umaabot sa higit P7 milyong halaga ng ketamine ang nasabat ng Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) mula sa isang Korean national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong Linggo ng gabi.
Batay sa report ni PNP-DEG Acting Director PBGen. Edwin Quilates, alas-6:20 ng gabi nang makumpiska ng kanyang mga tauhan ang droga sa Final Security Screening Checkpoint 3, Domestic Departure Area, NAIA, Terminal 2, Pasay City at dinakip si “Han”, 39. Nakuha rito ang nasa 1,430 gramo ng white crystalline na pinaniniwalaang Ketamine na may Standard Drug Price na P7,150,000.00.
Agad na dinala sa PDEA Laboratory ang illegal drugs.
- Latest