Porzingis ibinigay ng Celtics sa Hawks

BOSTON — Ibibigay ng Celtics si shooting center Kristaps Porzingis sa Atlanta Hawks bilang bahagi ng isang three-team deal kasama ang Brooklyn Nets.
Dadalhin ng Boston si Porzingis sa Atlanta kapalit ni Georges Niang at isang second-round pick, habang makukuha ng Brooklyn si Terance Mann at ang No. 22 pick na hawak ng Atlanta sa NBA Rookie Draft.
Nauna nang ibinigay ng Celtics si guard Jrue Holiday sa Portland Trail Blazers kapalit ni Anfernee Simons at dalawang future second-round picks.
Kasama ang 7-foot-2 na si Porzingis at si Holiday sa paghahari ng Boston noong 2024 season.
Nagtala si Porzingis ng mga averages na 19.5 points, 6.8 rebounds at 2.1 assists sa 42 games para sa Celtics sa katatapos lamang na season.
Samantala, dinala ng Washington Wizards sina Jordan Poole at Saddiq Bey at 2025 second-round pick (No. 40) sa New Orleans Pelicans kapalit nina CJ McCollum at Kelly Olynyk at isang future second-round pick.
- Latest


















