^

PSN Palaro

Perpetual nakatikim ng talo sa CSB

Nilda Moreno - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines — Nasikwat ng defending champion College of Saint Benilde ang top spot matapos nilang pagulungin sa tatlong sets ang University of Perpetual Help System DALTA, 25-16, 25-22, 25-18 sa NCAA Season 100 women’s volleyball tournament 1st round eliminations na nilaro sa EAC Gym-Gen. Luna sa Paco, Manila, kahapon.

Mabilis na kinahon ng Taft-based squad ang panalo matapos ang nag-aapoy na laro nina Wielyn Estoque, Francis Mycah Go, Zamantha Nolasco at Clydel Mae Catarig.

Nagtala si Estoque ng 17 points mula sa 14 kills at tatlong blocks para tulungan ang Lady Blazers na ilista ang 7-1 karta at ipalasap sa Lady Altas ang unang talo sa pitong laro.

Lumanding ang Lady Altas sa No. 2 sa team standings kasalo nila ang Letran, magkasalo naman sa No. 4 ang san Sebastian College-Recoletos at Mapua University na may tig-5-2 karta.

Kumana si Go ng 13 points may tig-12 ang i­nambag nina Catarig at Nolasco para sa CSB.

Namuno sa opensa para sa Lady Altas si Jemalyn Menor na nirehistro ang pitong puntos habang tig-anim ang iniskor nina Winnie Bedana, Shaila Allaine Omipon at Pauline Mae Reyes.

 Samantala, nagwagi ang Mapua University sa San Beda University, 25-18, 25-22, 23-25, 25-11 sa unang laro.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with