^

PSN Palaro

Doncic tumipa ng triple-double sa panalo ng Mavericks

Pilipino Star Ngayon

WASHINGTON -- Nag­poste si Luka Doncic ng triple-double na  21 points, 10 rebounds at 10 assists para banderahan ang Dallas Mavericks sa 137-101 pagpapabagsak sa minalas na Wi­zards.

Ito ang ika-78 triple-double ni Doncic para tu­mabla sa seventh place sa career list kasama sina Wilt Chamberlain at James Harden.

Kumamada si Kyrie Ir­ving ng 25 points para ban­derahan ang ikaanim na panalo ng Dallas (15-8) sa huling 11 laro.

Laglag naman ang Wa­shington (2-18) sa pang-16 dikit na kamalasan.

Sa New York, tumipa si OG Anunoby ng 25 points sa 125-101 dominasyon ng Knicks (14-8) sa Charlotte Hornets (6-16).

Sa Cleveland, umiskor si Donovan Mitchell ng 28 points sa 126-114 paggupo ng Cavaliers (20-3) sa Denver Nuggets (11-9).

Sa Toronto, humataw si Shai Gilgeous-Alexander ng 30 points at nagdagdag naman ng 20 mar­kers si Ja­len Williams sa 129-92 pag­rapido ng Ok­lahoma City Thunder (17-5) sa Raptors (7-16).

Sa Memphis, nagtala si Marcus Smart ng 18 points sa 115-110 panalo ng Grizzlies (15-8) kontra sa Sacramento Kings (10-13).

LUKA DONCIC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with