^

PSN Palaro

Strong Group tinambakan ang Australia

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines —  Halos hindi pinawisan ang Strong Group-Pilipinas sa pag-iskor ng 91-69 pa­nalo kontra sa BSBL Guardians ng Australia upang manatiling walang galos sa 43rd William Jones Cup kahapon sa Taipei, Taiwan.

Ayaw paawat ni dating PBA champion import mula sa San Miguel Beer na si Chris McCullough nang kumana uli ng 23 puntos at 7 rebounds upang banderahan ang 22-point win ng pambato ng Pinas.

Nauna nang nagpasiklab si McCullough sa pagtabo ng kumpletong 15 puntos, 7 rebounds, 5 assists at 4 steals sa 104-79 panalo nila kontra sa United Arab Emirates.

Umalalay kay Mc­Cullough si Gilas Pilipinas naturalized player Ange Kouame na may 16 puntos at 10 rebounds na double-double habang may 14 puntos naman si American big man Tajuan Agee.

May suporta ring 9, 7 at 6 puntos sina Jordan Hea­ding, Dave Ildefonso at RJ Abarrientos, ayon sa pagkakasunod, para sa local crew ni coach Charles Tiu.

Susubok sa 3-0 kartada ang Strong Group kontra sa Ukraine sa alas-5 ng hapon ngayon upang mapalakas ang tsansa sa No. 1 spot na siyang magiging kampeon agad sa 9-team tournament.

Laglag sa 0-2 ang BSBL Guardians matapos ding yumukod sa Future Sports USA, 69-65.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with