^

PSN Palaro

Obiena laglag sa No. 3 sa world rankings

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Obiena laglag sa No. 3 sa world rankings
Philippines' Ernest John Obiena competes in the men's pole vault final of the athletics event at the Paris 2024 Olympic Games at Stade de France in Saint-Denis, north of Paris, on August 5, 2024.
AFP / Kirill Kudryavtsev

MANILA, Philippines — Bumagsak sa No. 3 spot si two-time Olympian Ernest John Obiena matapos ang kampanya nito sa 2024 Paris Olympics.

Sa bagong listahan na inilabas, nalaglag si Obiena sa ikatlo kung saan nau­ngusan ito ni Sam Kendricks ng Amerika na nakasungkit ng silver medal sa Paris Olympics.

Nanatili sa No. 1 position si world champion, world record holder, Olympic record holder at Paris Olympics gold medalist Armand ‘Mondo’ Duplantis ng Sweden.

Bigo si Obiena na makapag-uwi ng medalya sa katatapos na Paris Games.

Nagkasya lamang ito sa ikaapat na puwesto matapos magtala ng 5.90 metro.

Hindi naabot ni Obiena ang 5.95 metro na magbibigay sana sa kanya ng awtomatikong bronze medal.

Sa halip, napunta kay Emmanouil Karalis ng Greece ang tanso na may parehong 5.90m.

Naungusan ni Karalis si Obiena sa countback dahil nakuha nito ang naturang marka sa kanyang unang attempt lamang kumpara sa dalawang attempts ng Pinoy bet.

Umangat din si Karalis sa world rankings na mula sa dating No. 8 ay sumulong ito sa No. 4 spot.

Kasama ng Team Phi­lippines na bumalik sa Pilipinas si Obiena.

Dumalo ito sa ilang prog­rama para sa Pinoy athletes. Subalit agad itong b­a­balik sa Italy para doon ipagpatuloy ang kanyang training.

Marami ring insentibo na natanggap si Obiena.

May P1 milyon ito mula kay Pangulong Bongbong Marcos habang nagbigay ng P1 milyon ang Chinese community, at P500,000 mula sa Manila.

vuukle comment

PARIS OLYMPICS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with