^

PSN Palaro

Lucero magpapalakas sa Magnolia

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Huling nagkampeon ang Magnolia noong 2018 PBA Governors’ Cup.

At sa pagdating ni so­phomore bigman Zav Lucero ay inaasahang muli itong makakamit ng Hotshots sa pagdribol ng PBA Season 49 Governors’ Cup bukas sa Smart Araneta Co­liseum.

Malaking tulong ang mai­bibigay ng 6-foot-7 na si Lucero sa frontline ng Magnolia na binubuo nina 6’8 Ian Sangalang, 6’8 James Laput, 6’7 Rafi Reavies at 6’2 Calvin Abueva.

Para mahugot si Lucero mula sa NorthPort Batang Pier ay ibinigay ng Hotshots sina point guard Jio Jalalon at forward Abu Tratter.

Muli ring babandera pa­ra sa Magnolia sina Paul Lee, Mark Barroca, Aris Dio­nisio at Jerrick Balanza, habang si dating NBA Slam Dunk champion Glenn Robinson III ang kanilang ipa­paradang import.

Kaagad mapapalaban ang Hotshots ni coach Chito Victolero sa pagbubukas ng PBA Governors’ Cup bu­kas sa Big Dome ka­harap ang Meralco Bolts.

Itatapat ng Meralco, nag­hari sa nakaraang PBA Philipine Cup, si resident im­port Allen Durham.

Bago ang nag-iisang laro sa alas-7:30 ng gabi ay isasalang muna ang Leo Awards sa alas-5 ng ha­pon.

Inaasahang makakamit ni June Mar Fajardo ng San Miguel ang kanyang pang-wa­long MVP award.

vuukle comment

PBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with