^

PM Sports

Brownlee nasa FIBA OQT Mythical 5

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kasama si Gilas Pilipinas naturalized player Justin Brownlee sa All-Star team ng FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginanap sa Riga, Latvia.

Pasok si Brownlee sa Mythical 5 kasama sina Tournament Most V­aluable Player Bruno Caboclo at Leo Meindl ng Brazil, Rihards Lomazs ng Latvia at Jeremiah Hill ng Ca­meroon.

Malaki ang ambag ni Brownlee kaya’t umabot sa semifinals ang Gilas sa Olympic qualifiers.

Nagtala si Brownlee ng averages na 23 points, 8.3 rebounds at 6.3 assists upang pamunuan ang Gilas Pilipinas sa kampanya nito sa Latvia.

Magandang konsolas­yon ito para kay Brownlee na ibinuhos ang lahat upang tulungan ang Pinoy squad sa torneo.

Mainit ang simula ni Brownlee nang kumana ito ng 26 puntos, siyam na rebounds at siyam na assists nang gulantangin ng Gilas Pilipinas  ang world No. 6 Latvia sa pamamagitan ng 89-80 desisyon.

Ito ang unang panalo ng Pilipinas sa isang European team sapul noong 1960 Rome Olympics nang talunin ng Pinoy cagers ang Spain sa iskor na 84-82.

Subalit kinapos lamang ang Gilas Pilipinas sa semifinals matapos umani ng 60-71 kabiguan sa kamay ng Brazil.

Nagkampeon ang Brazil nang ilampaso nito sa finals ang host Latvia, 94-69 desisyon.

Kalakip nito ang tiket ng Brazil sa Paris Olympics na magsisimula sa Hulyo 26 sa France.

Nakalikom lamang ng 15 puntos si Brownlee kontra Brazil.

vuukle comment

FIBA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with