^

PM Sports

McCullough binuhat ang SGA sa ika-5 dikit

John Bryan Ulanday - Pang-masa

MANILA, Philippines — Winasiwas ng Strong Group-Pilipinas ang Future Sports USA, 112-90, upang manatiling perpekto ang kampanya sa 43rd William Jones Cup kahapon sa Taipei, Taiwan.

Naiwan pa sa 56-60 deficit ang pambato ng Pilipinas bago umarangkada sa second-half kung saan na nila tinambakan ang American bets tungo sa 22-point na tagumpay.

Naglista ng muntikang triple-double na 24 puntos, 18 rebounds at 7 assists si Chris McCullough upang trangkuhan ang opensa ng Strong Group sahog pa ang 2 steals at 3 tapal.

Nakakuha naman siya ng solidong ambag sa kapwa American reinforcement na si Tajuan Agee na may 19 puntos.

Umayuda rin sa kanila si RJ Abarrientos, No. 3 pick ng Ginebra sa katatapos lang na PBA Rookie Draft sa 17 puntos  habang may 11 puntos din si Jordan Heading.

Hindi rin nagpahuli sina Ange Kouame, naturalized player ng Gilas Pilipinas, at bagitong big man Allen Liwag na may tig-10 puntos para sa balanseng atake ng mga bataan ni coach Charles Tiu.

Ito na ang ikaapat na tambak na panalo ng Strong Group sa limang salang matapos ding kaldagin ang UAE, 104-79, BSBL Guardians ng Australia, 91-69 at Malaysia, 89-54.

Kontra sa Ukraine, 84-72, ang kanilang natatanging dikit na tagumpay para sa 5-0 kartada.

Sunod na makakaharap ng Strong Group ang Japan U22 team ngayon bago tapusin ang kampanya kontra sa host teams na Chinese Taipei White at Blue sa single-round robin tournament tampok ang No.1 team bilang kampeon agad.

Samantala, bumida sa 18 puntos si Moss Hammer habang may 15, 14, 13 at 11 puntos din sina Ryan Elliot, Demetrius Thomas, Malik Deshaun at Scott Kavaughn, ayon sa pagkakasunod, para sa Future Sports USA na sadsad sa 1-5 kartada.

vuukle comment

STRONG GROUP-PILIPINAS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with