^

PM Sports

Dalawang finals berth paglalabanan ngayon

Russell Cadayona - Pang-masa
Dalawang finals berth paglalabanan ngayon
Mika Reyes ng PLDT

MANILA, Philippines — Ito ang huling pagkakataon na magtutuos ang Akari at PLDT at ang Creamline at Cignal HD.

Matapos ipagpaliban ang kani-kanilang knockout semifinals matches noong Huwebes ay pag­la­labanan ngayon ng apat na koponan ang dalawang championship ticket sa 2024 Premier Volleyball League Reinforced Con­fe­rence sa MOA Arena sa Pasay City.

Magkikita ang Chargers at High Speed Hitters sa alas-2:30 ng hapon ka­­sunod ang salpukan ng Cool Smashers at HD Spikers sa alas-4:30.

Ang dalawang tropang mananalo ang mag­haharap sa ‘winner-take-all’ championship game bukas sa Smart Araneta Co­liseum.

Kinumpleto ng Akari ang eight-game sweep sa elimination round bago sinibak ang Farm Fresh sa knockout quarterfinals para sa 9-0 record.

“Sabi nga natin pagan­dahan na lang talaga ng gi­­sing. Kapag nag-click, magki-click, makukuha mo talaga,” sabi ni PLDT coach Rald Ricafort.

Muling aasahan ng Chargers sina American import Oly Okaro, Ivy Lacsina, Grethcel Soltones, Ced Domingo at Michelle Cobb.

Itatapat ng High Speed Hitters sina Russian import Elena Samoilenko, Mi­ka Reyes, Majoy Ba­ron, Kim Fajardo at Kiesha Bedonia.

Sa ikalawang laro, ha­­­ngad naman ng Creamline na makapasok sa PVL finals para sa tsansang ma­kopo ang pang-si­­yam na korona.

Ngunit inaasahang pi­pigilan ito ng Cignal na asam ang kauna-unahang titulo.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with