^

PM Sports

Akari nauna na sa Finals

Russell Cadayona - Pang-masa
Akari nauna na sa Finals
Pinaluan ni Ivy Lacsina ng Akari si Erika Santos ng PLDT sa kanilang knockout semis match.
PVL

MANILA, Philippines — Nakipagkita ang Akari sa kanilang kapalaran.

Tinakasan ng Chargers ang PLDT High Speed Hitters, 25-22, 18-25, 22-25, 26-24, 17-15, sa kanilang knockout semifinal duel papasok sa championship round ng 2024 Premier Volleyball League (PVL) Reinforced Confe­rence kahapon sa MOA Arena sa Pasay City.

Makakatapat ng tropa ni Japanese coach Taka Moniwa sa ‘winner-take-all’ finals ang mananalo sa pagitan ng Creamline Cool Smashers at Cignal HD Spikers na naglalaban pa habang sinusulat ito.

Hinataw ng Akari ang pang-10 sunod na panalo para sa kanilang kauna-unahang finals appea­rance matapos ang limang komperensya simula nang pumasok sa PVL noong 2022.

“So much emotions right now, I’m trying to ga­ther my thoughts,” ani American import Oly Okaro na humataw ng 39 points mula sa 35 attacks at apat na blocks. “This game meant so much for us because we’ve been preparing so much for a game like this.”

Nagdagdag si Ivy Lacsina ng 19 markers buhat sa 17 attacks, isang block at isang service ace para sa unang panalo ng Chargers sa kanilang anim na duwelo ng High Speed Hitters.

“Kasi do or die na po ito and ang dami nang nangyari sa mga sets, and sabi po namin kailangan naming ibigay ang best namin,” sabi ni Lacsina sa Akari.

Nag-ambag si Grethcel Soltones ng 18 points at 12 excellent digs habang may 18 excellent sets si Kamille Cal.

Binanderahan ni Russian import Lena Samoilenko ang PLDT sa kanyang 30 points at may 16 at 14 markers sina Erika Santos at Fiola Ceballos, ayon sa pagkakasunod.

vuukle comment

PREMIER VOLLEYBALL LEAGUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with