^

PSN Palaro

Naturalization ni Jaja sa Japan gumugulong na

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni middle blocker Jaja Santiago na gumugulong na ang naturalization nito para maging Japanese citizen at maging bahagi ng Japan women’s national volleyball team.

Sinabi ng 6-foot-5 middle blocker na pinaplantsa na ang lahat para maipormalisa ang naturalization nito.

Kasalukuyang nasa bansa si Santiago para sa maikling bakasyon.

Nakita si Santiago sa venue nang manood ito sa laban ng National University at Far Eastern University sa do-or-die semis match sa UAAP Season 86 women’s volleyball tournament.

Marami rin ang nagsulputang balita na posibleng maglaro si Santiago sa battle-for-bronze match ng Chery Tiggo kontra sa Petro Gazz sa Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference.

Ngunit agad itong itinanggi ni Santiago kalakip ng kumpirmasyong inaayos na ang kanyang naturalization sa Japan.

“Hindi ako maglalaro (sa battle-for-third) kasi nasa process na (ang naturalization),” ani Santiago.

Ayaw na ni Santiago na sumugal pa kaya’t pinili nitong hindi na maglaro sa PVL dahil baka maapek­tuhan ang naturalization process nito.

Masaya si Santiago sa paglalaro nito sa Japan V.League.

Bahagi ito ng JT Marvelous na nakasungkit ng pilak sa katatapos na season ng Japan V.League.

Matapos ang season, nasilayan si Santiago sa training camp ng Japan women’s national team kung saan bahagi ito ng pool.

Aminado si Santiago na marami itong natutunan sa Japan.

JAJA SANTIAGO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with