Banchero, Magic pinabagsak ang Brooklyn Nets
ORLANDO —- Kumolekta si Paolo Banchero ng 21 points at 9 assists para tulungan ang Magic sa 114-106 pagpapatumba sa Brooklyn Nets.
Nagdagdag si Wendell Carter, Jr. ng 15 markers, 8 rebounds at 2 assists para sa Orlando (38-28).
Umiskor ng tig-14 points sina Frank Wagner at Jalen Suggs, habang may 13, 11 at 10 markers sina Gary Harris, Jonathan Isaac at Markelle Fultz, ayon sa pagkakasunod.
Binanderahan ni Cam Thomas ang Brooklyn (26-40) sa kanyang 21 points kasunod ang 17 markers ni Mikal Bridges at tig-13 points nina Dennis Schroeder at Cam Johnson.
Napababa ng Nets sa 90-98 ang kanilang double-digit deficit sa fourth period kasunod ang three-point shot ni Joe Ingles na muling naglayo sa Magic sa 101-90 sa 7:14 minuto nito.
Sa Miami, umiskor si Michael Porter Jr. ng 25 points, habang may 16 markers si Aaron Gordon sa 100-88 paggupo ng nagdedepensang Nuggets (46-20) sa Heat (35-30).
Sa Indianapolis, bumanat si DeMar DeRozan ng 46 points, kasama ang go-ahead triple sa overtime, sa 132-129 pagsuwag ng Chicago Bulls (32-34) sa Indiana Pacers (37-30).
Sa Dallas, humakot si Luka Doncic ng 21 points, 9 assists at 3 rebounds sa 109-99 paggupo ng Mavericks (38-28) sa Golden State Warriors (34-31).
Sa New Orleans, nagtala si Darius Garland ng 27 points at 11 assists sa 116-95 pagtusok ng Cleveland Cavaliers (42-24) sa Pelicans (39-26).
Sa Sacramento, tumipa si Domantas Sabonis ng triple-double na 17 points, 19 rebounds at 10 assists sa 120-107 pagpapabagsak ng Kings (38-27) sa Los Angeles Lakers (36-31).
Sa Portland, bumira si Anfernee Simons ng 36 points sa 106-102 pagtakas ng Trail Blazers (19-46) sa Atlanta Hawks (29-36).
Sa Detroit, nagposte si Jalen Duren ng career-high 23 rebounds bukod sa 24 points at 5 assists sa 113-104 pagpapasabog ng Pistons (12-53) sa Toronto Raptors (23-43).
- Latest