^

PSN Palaro

Sy hinikayat ang mga Pinay na lumahok sa combat sports

Philstar.com
Sy hinikayat ang mga Pinay na lumahok sa combat sports
Sina Paolo Tancontian, Pangulo ng Pilipinas Sambo Federation, six-time World Sambo medalist Sydney Sy-Tancontian at head coach Ace Larida

MANILA, Philippines – Hinikayat ni six-time World Sambo Championship bronze medalist Sydney Sy-Tancontian ang kababaihang Pinay na huwag mahiya anuman ang katauhan at gamitin ang sports partikular ang combat sports hindi lamang bilang kompetitibong larangan bagkus isang paraan upang mapanatili ang kalusugan at magkaroon ng self-defense.

Aniya, malaki ang epekto sa kalusugan at kaisipan ng kababaihang ang social media, gayundin ang babad na exposure ng iba’t ibang aspeto nang pagpapaganda at pagpapayat na nakadadagdag ng negatibong epekto sa mga tulad niyang napapabilang sa ‘heavyweight’.

“Napalakas ng epekto ng social media kung saan nagiging basehan sa kagandahan at kaseksihan ang pagiging payat, kaya kung medyo chubby ka, medyo negative ang dating sa social media nagkakaroon ng masamang epekto hindi man direkta, unti-unti sa kaisipan at damdamin ng mga kababaihang hindi kabilang dito,” pahayag ni Tancotian sa kanyang pagbisita sa Tabloids Organization in Philippine Sports, Inc. (TOPS) Usapang Sports nitong Huwebes sa VIP Room ng Rizal Memorial Stadium sa Malate, manila.

Iginiit ng 23-anyos graduate ng Sports Management sa University of Santo Tomas na naranasan niya mismo na maikumpara ang sarili, subalit kagyat niya itong nalagpasan nang ituon ang sarili sa sports mula sa judo, kurash at sambo.

“Yung family naming talaga sa judo. My father, uncle and my siblings are into contact sports sa judo sa kurash din sa sambo. Ako mismo walang maka-sparring sa heavyweight dahil right now walang heavyweight na kababaihan ang sumasali sa sambo,” sambit ni Tancontian sa programa na itinataguyod ng Philippine Sports Commission, Behrouz Persian Cuisine at Pocari Sweat.

“Kaya nananawagan ako sa mga kabaro ko na lumabas kayo at sumabak sa sports hindi lang para maging competitive kundi pang-self defense, kundi mental and physical fitness na rin. Sa pareho kong heavyweight mag-try na kayo sa sambo para may ka-sparring na rin ako,” pabirong pahayag ni Tancontian.

Nakuha niya ang ika-anim na World Cup bronze medal sa women’s +80kgs. heavyweight division ng gapiin ang paboritong si Bianca Prodan ng Romania kamakailan sa Yerevan, Armenia.

Mula noong 2018, si Tancontian pa lamang ang atleta mula sa Southeast Asia na nakapagwagi ng medalya sa World stage ng sambo. 

Bunsod ng naturang tagumpay, taglay niya ang No.4 rank sa World Ranking at napabilang sa Athletes’ Commission ng World Sambo Federation.

Sa kaganapan, higit na nagdiriwang sa tagumpay ni Tancontian ang kanyang coach na si Ace Larida at ama na si Paolo, ang itinuturing ‘Ama ng Philippine Sambo’ at kasalukuyang pangulo ng Philippine Sambo Federation.

Ayon kina Paolo at Ace, patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa local na pamahalaan, gayundin sa Department of Education upang higit na maipakilala ang sambo sa kabataan at maipagpatuloy ang programa sa pagbibigay ng kaalaman sa kabataan at maturuan ang mga Pinoy ng self-defense.

COMBAT SPORTS

SAMBO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with