Red Lions umeskapo sa Knights
MANILA, Philippines — Itinakas ng San Beda University ang 68-63 panalo kontra sa ‘three-peat’ champions Letran sa NCAA Season 99 men’s basketball tournament kahapon sa FilOil Centre sa San Juan City.
May 3-1 record ngayon ang Red Lions kasama ang dalawang sunod na ratsada kasabay ng paghuhulog sa Knights sa ilalim ng team standings sa 0-4 marka.
Naagaw ng San Beda ang 64-63 bentahe matapos ang tirada ni Alex Visser habang ang turnover ng Letran ang nagresulta sa dalawang free throws ni Jacob Cortez.
Bigo naman si Kurt Reyson sa kanyang three-point attempt sa panig ng Knights.
Samantala, giniba ng Lyceum of the Philippines University ang Arellano University sa overtime, 89-77, para patuloy na solohin ang liderato.
Humakot si Enoch Valdez ng 26 points, 14 rebounds at 4 steals para sa 5-0 baraha ng Pirates na nakahugot kina Mclaude Guadaña, JM Bravo at Greg Cunanan ng 20, 14 at 10 markers, ayon sa pagkakasunod.
Bagsak ang Chiefs sa 0-4.
- Latest