^

PSN Palaro

Belen, Solomon pass muna sa PVL Draft

Chris Co - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Wala ang pangalan nina outside hitter Bella Belen at opposite spiker Alyssa Solomon sa lista­han ng mga nasa Premier Volleyball League (PVL) Rookie Draft.

Nakaabang ang lahat sa dalawang National University standouts matapos nitong tulungan ang Lady Bulldogs na maibalik sa kanilang teritoryo ag UAAP women’s volleyball crown.

Subalit sa inilabas na listahan ng PVL, wala sina Belen at Solomon sa mga nagsumite ng aplikasyon para sa kauna-unahang PVL Rookie Draft.

Kaya naman usap-u­sapan na ang pagbabalik nito sa Lady Bulldogs para depensahan ang kanilang korona sa UAAP Season 87 sa susunod na taon.

Si Belen ang itinanghal na UAAP Season 86 Most Valuable Player (MVP) habang nakuha naman ni Solomon ang Finals MVP na katatapos na season.

Kasama sina Belen at Solomon sa national pool ng Alas Pilipinas na sasabak sa FIVB Challenger Cup.

Hindi nakapaglaro sina Belen at Solomon sa AVC Challenge Cup dahil nagpahinga ang mga ito matapos ang kampanya sa UAAP Season 86.

vuukle comment

PVL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with