Gagate, Coronel babandera sa PVL Draft

MANILA, Philippines — Pangungunahan nina Alas Pilipinas standouts Thea Gagate at Julia Coronel ang mga kalahok sa kauna-unahang Premier Volleyball League (PVL) Rookie Draft na idaraos sa Hulyo 8.
May kabuuang 47 players ang nakapasok sa listahan matapos ang deliberation at screening.
Nagtapos ang deadline ng pagsusumite ng aplikasyon noong Hunyo 12 kung saan nanguna sina Gagate at Coronel sa mga aplikante.
Kasama nina Gagate at Coronel ang teammates nila sa De La Salle University na sina Maicah Larroza at Leila Cruz.
Pasok din sa listahan si University of Santo Tomas opposite spiker Pierre Abellana.
Pito naman ang galing sa Adamson University na sina outside hitters Lucille Almonte at Ishie Lalongisip, opposite spiker AA Adolfo, setters Nikka Yandoc at Angge Alcantara, libero Karen Verdeflor at middle blocker Sharya Ancheta.
Kasama rin sa listahan sina University of the Philippines graduating seniors Abi Goc (outside hitter), Jewel Encarnacion (outside hitter) at Stephanie Bustrillo (opposite spiker) at sina University of the East players (UE) Dara Nieva (opposite spiker) at liberos Jenina Zeta at Dea Villamor at si Ateneo libero Roma Mae Doromal.
Masisilayan din ang ilang abroad-based players gaya nina Aleiah Torres ng Brock University at Nathalie Ramacula ng Red River College Polytechnic.
Ang iba pang nasa listahan ay sina Daisy Melendres, Bay Anne de Leon, Dodee Batindaan, Robbie Mae Matawaran, Lorraine Pecana, Donnalyn Paralejas, Charmina Dino, Cathrine Almanzan, Camille Belaro, Maxinne Tayag, Lalaine Arizapa, Jewelle Bermillo, Razel Aldea, Sandra Dayao, Lovely Zap, Lian Macasiray, Andre Jardio, Jamie Solina, Danya Casino, Danivah Aying, Caroline Santos, Ysabela Bakabak, Giliana Torres, Mary Grace Vernaiz, CJ Evangelista at Remcel Santos.
- Latest