^

PSN Palaro

Italy hindi minamaliit ang kakayahan ng Gilas

John Bryan Ulanday - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Mapapalaban nang husto ang Gilas Pilipinas kontra sa Italy na winalis ang pocket tournament sa Greece para sa kanilang pinala­kas na preparasyon sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup na nakatakda sa Agosto 25 hanggang Setyembre 10.

Kinaldag ng European powerhouse na Azzurri ang Greece team, 74-70, upang sungkitin ang titu­lo ng Aegean Acropolis Bas­ketball Tournament sa Athens papasok sa huling bahagi ng kanilang World Cup build-up.

Nauna nang tinalo ng Ita­ly ang Serbia, 89-88, ma­tapos bumangon sa isang 17-point deficit upang pa­tunayan ang kanilang ka­libre bilang isa sa mga bigating koponan sa World Cup kahit pa hindi naglaro sa Greece si NBA superstar Giannis Antetokounmpo ng MIlwaukee Bucks at sa Serbia si Nikola Jokic ng NBA champion Denver Nuggets.

Kasama ng Gilas Pilipinas, ang World No. 40, ang No. 10 Italy sa Group A pati na ang No. 23 Dominican Republic at No. 41 Angola.

Huling makakalaban ng Gilas ang Italy sa Agosto 29 sa Smart Araneta Coliseum matapos ang laban kontra sa Dominican Republic sa Agosto 25 sa Philippine Are­na sa Bocaue, Bulacan at sa Angola sa Agosto 27 sa Big Dome.

Kumamada ng 17 points si Simone Fontecchio, ang teammate ni Gilas ace Jordan Clarkson sa Utah Jazz sa NBA, upang trangkuhan ang kampeo­nato ng Italy.

Bukod kay Fontecchio ay babandera rin para sa mga Italians ang dating Golden State Warriors guard na si Nico Mannion pati na ang Olimpia Milano star na si Nicol Melli.

Nagsimula nang makipag-ensayo sina Clarkson at Kai Sotto sa Nationals sa isang closed-door session sa Philsports Arena sa Pasig City.

Bukod sa Pilipinas, idaraos din ang mga FIBA World Cup games sa Japan at Indonesia bilang mga co-hosts.

GREECE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with