^

PSN Palaro

Kanino ang PVL crown?

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Kanino ang PVL crown?
Isa sa sasandigan ng Creamline sa pagdedepensa ng kanilang korona si team captain Alyssa Valdez laban sa Kurashiki sa PVL Invitationals Finals.

Cool Smashers, Ablaze magtutuos

MANILA, Philippines — Asahan ang matinding paluan sa pagitan ng reig­ning champion Creamline at Kurashiki sa pag-arangkada ng championship game ng PVL Invitational Conference ngayong araw sa PhilSports Arena sa Pasig City.

Nakatakda ang engkuwentro ng Cool Smashers at Ablaze sa alas-6:30 ng gabi habang maghaharap sa battle-for-third match ang F2 Logistics Cargo Movers at Cignal HD Spi­kers sa alas-4 ng hapon.

Nauna nang nagtagpo ang Creamline at Kurashiki noong Biyernes sa huling araw ng semifinals kungsaan naitarak ng Japanese squad ang 25-20, 25-21, 18-25, 25-14 sa kanilang non-brearing game.

Matikas na winalis ng Kurashiki ang lahat ng limang asignatura nito sa semis habang nahulog sa 4-1 marka ang Creamline.

Ngunit burado na ang lahat ng ito.

Pinakaimportante ang paghaharap ng Cool Sma-shers at Ablaze sa championship showdown nito.

“We really want to win. Our Friday’s game allowed both teams to see each other’s tendencies. The team with a stronger resolve will win,” ani Ablaze head coach Hideo Suzuki sa pamamagitan ng interpreter.

Isa sa aasahan ng Ablaze si libero Takahashi Kaoru na solido ang floor defense kung saan nakalikom ito ng 16 excellent digs.

Inaasahang ilalabas ng Cool Smashers ang tunay na laro nito sa finals para madepensahan ang kanilang korona.

Mangunguna sa ratsada ng Creamline sina Alyssa Valdez, Jema Galanza at Tots Carlos na siyang pangunahing pinagkukunan ng puntos ng kanilang tropa.

Hahataw din si middle blocker Ced Domingo na nakapagpahinga matapos hindi maglaro noong Biyernes.

Makakasama ni Domingo sa gitna si Jeanette Panaga habang mamanduhan naman ni setter Jia Morado ang pagbuo sa plays katuwang si libero Kyla Atienza.

vuukle comment

SPORT

VOLLEYBALL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with