^

PSN Palaro

Filipinas sasagupa sa Switzerland

Pilipino Star Ngayon

AUCKLAND — Sisimulan ng Philippine national wo­­men’s football team ang kampanya sa prestihiyosong FIFA Women’s World Cup laban sa Switzerland.

Bagama’t itinuturing na underdogs ay inaasahang ibi­bigay ng Filipinas ang lahat ng kanilang lakas para gulatin ang mga Swiss sa upakan nila sa Group A ngayong ala-1 ng hapon (Ma­nila time) sa Forsyth Barr Stadium.

Bukod sa World No. 20 team na Switzerland ay lalabanan din ng mga Pi­nay booters ang matinding lamig, ayon kay Australian coach Alen Stajcic.

May average na 7-degree Celsius (44.6-degree Fahrenheit) ang klima nga­yon sa nasabing siyudad.

Ngunit inaasahang babalewalain ito ng Filipinas, ang No. 46 team sa FIFA women’s world rankings, para makaiskor sa Switzerland.

“Now, it’s time to go to the biggest women’s spor­ting event in the world, and try to do the best that we can,” sabi ni Stajcic sa kanyang koponan.

Umabante ang Filipinas sa kauna-unahang World Cup matapos makalusot sa semifinals ng nakaraang 2022 AFF Women’s Asian Cup noong Pebrero kung saan nila tinalo ang Chinese Taipei via penalty shootout.

FIFA WOMEN’S WORLD CUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with