^

PSN Palaro

Nambatac pinagmulta ng E-Painters

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Nambatac pinagmulta ng E-Painters
Rey Nambatac
STAR / FIle

MANILA, Philippines — Nadagdagan pa ang napatawan ng parusa matapos pagmultahin ng Rain or Shine si guard Rey Nambatac dahil sa paglalaro nito sa ligang labas sa Davao.

Ang nasabing multa ay katumbas ng dalawang araw na suwel­do ni Nambatac.

Nadiskubre ng pamunuan ng Elasto Painters ang paglalaro ni Nambatac nang magpadala ng larawan ang isang netizen kaugnay sa paglalaro nito sa isang exhibition game sa Davao.

Si assistant team manager Jireh Ibanes ang nakatanggap ng larawan noong Martes.

“May nagpadala ng picture ni Rey (Nambatac) kay Jireh (Ibanes) then nireport sa akin ni Jireh kaya ipi­na­tawag sa opisina si Nambatac,” sabi ni ROS team governor Atty. Mamerto Mondragon.

Nagtungo si Nambatac sa opisina ni Mondragon at inamin ang nagawa niyang pagkakamali.

“Inamin naman niya. Ini-report ko na rin sa PBA pero nauna na iyong action namin sa team. Ang lalaki ng mga sweldo nila at di naman din kami nagkulang sa paalala,” dagdag pa ni Mondragon.

Si Nambatac ang ikalawang player ng Elasto Painters na natuklasang naglaro sa ligang labas matapos si slotman Beau Belga.

Pinatawan si Belga ng  15-day suspension without pay dahil sa paglalaro nito sa ligang labas sa Cebu.

Ipinatawag din ng PBA sina Belga at Nambatac para magpaliwanag kay Commissioner Willie Marcial.

vuukle comment

REY NAMBATAC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with