^

PSN Palaro

'May tindahan ako'?: WWE legend Kurt Angle naloka sa Pinoy sari-sari store

James Relativo - Philstar.com
'May tindahan ako'?: WWE legend Kurt Angle naloka sa Pinoy sari-sari store
Litrato ng pro-wrestler at Olympic gold medalist na si Kurt Angle (kaliwa) at ang tindahang pinagkakatuwan niya ngayon sa social media (kanan)
Video grab at larawan mula sa Instagram account ni Kurt Angle

MANILA, Philippines — Shookt na shookt ang American pro-wrestler, Olympic gold medalist at WWE legend na si Kurt Angle matapos makita ang isang sari-sari store sa Pilipinas, na sa kung anong kadahilanan ay nakapangalan sa kanya.

Ito ang kanyang inispluk sa isang Instagram post, Huwebes (oras sa Pilipinas), bagay na may kalakip na litrato ng tindahang halatang sa Pilipinas nakatayo.

"I didn’t realize I had a store," wika ng freestyle wrestling gold medalist sa 1996 Atlanta Olympics habang tumatawa.

"if I actually did have a store, I’d be selling turkeys today. Happy thanksgiving everyone!!!!"

Saktong ipinaskil niya ito noong ika-24 ng Nobyembre kung kailan ipinagdiriwang ang Thanksgiving holiday sa Estados Unidos, kung saan madalas ihain sa hapagkainan ang turkey o pabo.

Makikitang may Red Horse beer (isang Filipino brand ng serbersa), RC Cola at Juicy Lemon soda sa karatula ng tindahan na karaniwang makikita sa sa bansa.

Pinagkatuwan tuloy ng netizens ang nasabing post, habang gumagawa ng "pun jokes" at memes kaugnay nito.

Sabi ng isang Facebook commenter, malamang ay nagbebenta ng ice candy, ice tubig at ice buko sa tindahan — na reference sa "three I's virtue" (intensity, integrity at intelligence) na madalas niyang tinutukoy noong pro-wrestler pa sa WWE.

"do they give you an anklelock at the counter?" wika naman ng IG user na si @martintrag sa comments, na siyang tumutukoy sa "finisher" ni Kurt.

Habang idinidiing totoo ang litrato, sinabi naman ni @akosibenedictus ang mga katagang, "it's true. It's damn true," na siyang laging sinasabi ng American grappler noon sa telebisyon. 

Kasalukuyang retirado na si Kurt sa in-ring competition at in-induct sa WWE Hall of Fame noong Marso 2017.

Matatandaang naiuwi niya ang gintong medalya para sa Estados Unidos noon kahit na bali ang kanyang leeg.

 

 

KURT ANGLE

OLYMPICS

PROFESSIONAL WRESTLING

WORLD WRESTLING ENTERTAINMENT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with