^

PSN Palaro

Fifi nagpasalamat sa tiwala ng coaches

Chris Co - Pilipino Star Ngayon
Fifi nagpasalamat sa tiwala ng coaches
Fifi Sharma
STAR/ File

MANILA, Philippines — Maituturing na isa si Fifi Sharma sa mga mahuhusay na middle blockers sa bansa ngayon.

Kaya naman malaki ang pasalamat nito sa mga coaches na humuhubog sa kanyang kakayahan at nagpapaangat ng kalidad ng kanyang paglalaro hindi lamang sa Premier Volleyball League (PVL) maging sa national team.

Kasama si Sharma ng Alas Pilipinas na hinuhubog para sa mga international tournaments na lalahukan nito sa taong ito partikular na sa 2025 Southeast Asian Games sa Bangkok, Thailand.

At isa si Brazilian mentor Jorge Souza de Brito sa mga pinasalamatan ng da­ting De La Salle University standout dahil sa tiwalang ibinibigay nito sa kanya sa oras na tumutuntong ito sa court.

Si De Brito ang pumili ng magiging bahagi ng national pool.

At masuwerte si Sharma na napasama ito dahil isa lamang itong pangarap noon na nabigyan ng katuparan.

“Thankful ako kay coach Jorge dahil nabigyan ako ng chance na mai-represent ang country natin na hindi ko siya ini-expect. Pero nakita ni coach na kaya ko,” ani Sharma.

Makailang ulit itong isinalang ni De Brito sa mga laban ng Alas Pilipinas bilang starting middle blocker dahil alam nito ang kakayahan ni Sharma.

“Yun ang nagbigay sa akin ng confidence yung tiwalang ibinigay niya sa akin. Yung isang Olympian na naniniwala sa kakayahan ko kaya talagang na-push ako,” ani Sharma.

Kaya naman nais nitong dalhin sa kanyang tropa sa Akari Chargers ang mga natutunan nito para makatulong sa kanilang kampanya sa PVL All-Filipino Confe­rence.

FIFI SHARMA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with