^

PSN Palaro

PVL teams balik-ensayo

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon
PVL teams balik-ensayo
Kabilang dito ang na­ngungunang Petro Gazz na sinosolo ang liderato sa kanilang bitbit na 5-1 record kasunod ang Cignal HD (5-2) at nagdedepensang Creamline (4-0).
STAR/ File

MANILA, Philippines —  Balik-ensayo na ang mga koponan para sa mu­ling paghataw ng 2024-25 Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Confe­rence sa Enero 18.

Kabilang dito ang na­ngungunang Petro Gazz na sinosolo ang liderato sa kanilang bitbit na 5-1 record kasunod ang Cignal HD (5-2) at nagdedepensang Creamline (4-0).

“Holiday season is over! Back to the grind,” wika ng Gazz Angels sa kanilang pagbabalik sa gym.

Limang sunod na pa­nalo ang hinataw ng Petro Gazz matapos matalo sa Creamline sa una nilang laro sa torneo.

Huling lumaban ang Gazz Angels noong Dis­yembre 14 kung saan nila tinalo ang HD Spikers, 25-19, 25-21, 25-18, kasunod ang Christmas break ng liga.

Sumabak din sa ensayo ang PLDT (3-2) at Nxled (0-5) bilang prepa­rasyon sa pagbabalik ng hostilidad tampok ang tatlong laro sa Philsports Arena sa Pasig City.

“The PLDT High Speed Hitters looked delighted to see each other again as they return to training today in QC,” pahayag ng High Speed Hitters.

Sumalang naman ang Chameleons sa FilOil EcoOil Centre sa San Juan City.

“Back for the new year, lighting it up again,” sabi ng Nxled na hanap ang una nilang panalo.

Sa Enero 18 lalabanan ng Nxled ang Farm Fresh (2-3) sa ala-1:30 ng hapon kung saan inaasahang ipaparada ng Foxies si middle blocker Lorene Toring sa unang pagkakataon.

Sa ikalawang laro sa alas-4 ng hapon ay magtutuos ang ZUS Coffee (2-3) at Choco Mucho (3-3).

Sa huling laro sa alas-6 ng gabi ay magtatagpo ang PLDT  High Speed at Akari Chargers (3-3).

PVL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with